Halos 20 barangay sa bayan ng Basud tinungo ng MAO para talakayin ang mga usaping pang agrikultura

CAMARINES NORTE- Nag- iikot ngayon sa iba’t- ibang barangay ng bayan ng Basud, Camarines Norte ang Municipal Agriculture Office (MAO) para sa Focus Group Discussion (FGD).

Ito ay upang makakalap ng mga komento, suhestiyon, at rekomendasyon sa mga magsasaka at mangingisda para sa programa at proyekto na ipinatupad ng nasabing tanggapan.

Nagsimula ang naturang aktibidad noon pang November 8 at inaasahang magtatapos sa November 26, 2021.

Layunin umano ng MAO na mas mapaganda at mapalakas pa ang sektor ng agrikultura at pangisdaan upang matulungan ang mga maliliit na magsasaka at mangingisda na pangunahing pinagkakakitaan ang pagtatanim at pangingisda.

Sa pamamagitan kasi ng mga ganitong pag- uusap ay maipapaabot ng mga Farmer leaders o representatives ang kanilang mga problemang kinakaharap sa usaping pansakahan at pangisdaan.

Noong isang linggo naman ay namahagi ang MAO ng livelihood starter kit sa nasa 80 mangingisda sa naturang bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *