Halos dalawang pisong tapyas sa mga produktong petrolyo – aasahan

May mataas na indikasyon na magkaroon muli ng panibagong rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang masayang ibinalita ni Atty. Rino Abad, ang Director ng Oil Management Bureau ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Atty. Abad, posibleng sa susunod na linggo ay magkaroon ng bawas presyo sa lahat ng petroleum products.

Nakadepende pa naman daw ito sa magiging takbo ng trading sa langis kung magkano ang magiging tapyas sa kada litro.

Batay aniya sa kanilang monitoring, mahigit piso ang rollback sa nagdaang 4 trading days kung kaya’t mataas aniya ang tyansa na mahigit piso rin ang magiging bawas sa susunod na linggo.

Umaasa naman aniya sila na aabot pa ito hanggang dalawang pisong bawas.

Mababatid na tuwing araw ng Lunes nagpapalabas ng abiso ang mga kumpanya ng langis ukol sa oil price rollback at ipinatutupad naman ito tuwing araw ng Martes.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.