Halos P80Million na mga agriculture products na ipinuslit sa MICP, nasabat ng DA

Nasabat ng Department of Agriculture ang aabot sa P78.9 halaga ng smuggled agricultural products mula sa isiinagawang magkakahiwalay na operasyon sa operasyon sa Manila International Container Port (MICP) mula December 27, 2022 hanggang nitong January 5, 2023.

Ilan sa mga operasyon ay ang nangyaring pagkumpiska ng ahensya sa tatlong container vans ng Taculog J International Consumer Goods Trading noong December 27, na naglalaman ng P25.3 million na halaga ng smuggled na puti at pulang sibuyas.

Naharang muli ang naturang trading company kasama ang Hutchison Jardine Trading Corporation kung saan nakuha ang ₱27.8-milyong halaga ng kontrabando gaya ng puting sibuyas, frozen pork stomach pouch cuts o bituka, at frozen boneless beef shanks.

Kasabay ng mga naitalang pagkahuli sa mga nagpupuslit ng agricultural goods, sinabi ni Assistant Secretary for DA Inspectorate and Enforcement James Layug na inihahanda na nila ang mga kasong isasampa laban sa mga illegal traders.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *