Healthcare utilization rate sa region 12, nasa safe zone na

KORONADAL CITY- NASA safe zone na ang healthcare utilization rate sa Soccsksargen region dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID 19.

Ayon kay Department of Health o DOH 12 Regional Epidemiology and Surveillance Unit Head Dr. Dyan Zubelle R. Parayao na 2.9% na lamang ng mga temporary treatment and monitoring facilities o TTMF sa rehiyon ang okupado.

Samantala, bumaba na rin sa 24% ang utilization rate ng mga COVID 19 hospital beds.

Sa ngayon, ang buong region 12 ay nasa Alert Level II at sinisikap ng mga LGU’s at mga health authorities na made-escalate ito sa Alert Level I sa pamamagitan ng pagpapanatili sa healthcare utilization rate sa low risk, pagpapababa sa COVID 19 cases at pagpapaigting sa vaccination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *