Heavy Rainfall warning inilabas ng PAGASA sa ilang lugar sa Luzon

Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga Disaster Risk Reduction and Management Offices sa iba’t-ibang panig ng Luzon dahil sa posibleng peligro na idulot ng malalakas na buhos ng ulan ngayon araw.

Sa inilabas na heavy rainfall warning ng ahensiya kabilang sa mga lugar na posibleng makaranas ng malalakas na buhos ng ulan dahil sa habagat ay ang probinsiya ng Quezon, Cavite, Laguna, Batangas, Zambales at Bataan.

Makakaranas din ng malalakas na mga pag-ulan ang Metro Manila, Pampanga at Rizal na posibleng magtagal ng tatlong oras.

Samantala moderate rain naman ang posibleng maranasan sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac at ilang bahagi ng Rizal at Quezon.

Magugunitang kahapon ay nalubog din sa tubig-baha ang ilang lugar sa Metro Manila na nagdulot nang mabigat na daloy ng trapiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *