Higit 2,500 jobssekers nakilahok sa online Job Fair ng DOLE 12

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ang Department of Labor and Employment o DOLE 12 ng 2,536 na mga jobseekers na nagparehistro sa online Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Job and Business Fairs ng DOLE 12 noong June 12 sa pamamagitan ng partner nito na WorkBank na bahagi ng pagdiriwang ng Independece Day.

Sa mga nagparehistro, 487 ang mga qualified applicants na kung saan 67 ang near hire, 72 ang inirefer sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa skills training, at 83 ang inirefer sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa business opportunities.

Sa naturang okasyon, nagrelease din ang DOLE 12 ng control numbers sa mga piling establishments at workers na benepisyaryo ng COVID-Adjustment Measures Program (CAMP) 2 kung saan makakatanggap ang mga ito ng one-time cash assistance na P5,000.00 na maaaring makuha sa mga partner remittance center.

Photo: DOLE 12

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *