SOCOMED humihingi ng subsidy para sa mga private hospitals na tumatanggap ng COVID-19 patients

KORONADAL CITY- HUMIHINGI ng subsidy mula sa provincial government at mga LGU para sa mga pribadong ospital sa probinsyang South Cotabato na tumatanggap ng mga Covid 19 cases ang South Cotabato Medical Society (SOCOMED).

Sa isinagawang question hour sa Sangguniang Panlalawigan ng South Cotabato, inihayag ni Dr. Rachelle Suarez-Uy outgoing president ng SOCOMED na may mga private hospitals na hindi sumusunod sa mandato ng Department of Health (DOH) na maglaan ng COVID 19 beds sa mga pasyente dahil malaking pondo aniya ang kakailanganin sa operasyon ng mga ito.

Dagdag pa ni Dr. Uy na hanggang ngayon, hindi pa nare-reimburse ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang mga COVID 19 claims kung kayat may mga ospital na hindi na tumatanggap ng mga COVID patients.

Dahil dito, humingi na ang SOCOMED ng intervention ng provincial government at mga LGUs sa pag-subsidized sa mga private hospitals at pag-utos sa mga ito na maglaan ng COVID 19 beds bilang pagsunod sa mandato ng DOH.

Nanawagan din ito sa mga pribadong pagamutan na makipagtulungan at tumanggap ng COVID cases lalo na’t nakararanas ngayon ang lalawigan ng COVID 19 surge.

Napag-alaman na nasa danger zone na ang bed capacity ng mga ospital na tumatanggap ng COVID 19 patients sa South Cotabato, ang Soccsksargen General Hospital, South Cotabato Provincial Hospital, at Dr.Arturo P. Pingoy Medical Center. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *