Hindi awtorisadong koleksyon ng prize fund taxes, umabot sa P4-bilyon

Mayroong kabuuang P4-bilyon ang hindi awtorisadong koleksyon ng prize fund taxes, ayon kay Senador Raffy Tulfo.

Ang pagbabayad ng prize fund tax ay pinawalang-bisa sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train law. Sa halip, ang final tax na 20 percent ay ay ipinataw sa mga prize at winnings ng Philippine Charity Sweepstakes at Lotto na lagpas P10,000.

Sa Senate committee on games and amusement hearing, sinabi ni Tulfo na ang PCSO ay nag-transmit ng halos P3-billion final tax at P4-billion prize fund tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR) mula 2018 hanggang 2021.

Ayon sa PCSO, kinukuha nila ang prize fund tax dahil kinokolekta ito ng BIR sa kanila.

Sinabi naman ng BIR sa PCSO na maghain ng tax refund alinsunod sa Section 229 ng Tax Code para maibalik ang prize fund tax na planong ibigay ng PCSO sa small town lottery operators (STL).

Pero iminungkahi ni Tulfo , mas mainam na ibigay na lang ang na-rebate na prize fund tax sa mga charitable institution.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *