Hindi bababa sa 10 motorista naisyuhan ng TOP sa operasyon ng HPG kahapon ng umaga

CAMARINES NORTE- Hindi bababa sa sampung motorista ang naisyuhan ng ticket sa anti carnapping operation at oplan sita ng PNP Highway Patrol Group kahapon ng umaga sa Daet- Basud boundary.

Dahil walang kasamang enforcer ng Local Government Unit, lahat ng inisyung ticket ay Temporary Operator’s Permit (TOP) na mas mabigat ang multa.

Ayon sa HPG enforcers karamihan sa mga nahuli ay lumabag sa Republic Act 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009.

Sa ilalim ng naturang batas lahat ng motorcycle drivers at angkas nito ay dapat nakasuot ng standard protective motorcycle helmet

Mayroon ding mga hinuli dahil naman sa paglabag sa Republic Act No. 8750 o seatbelt law na ayon sa pag- aaral ay isa sa “most violated” road rule sa bansa.

Halos araw- araw ang ginagawang anti carnapping operation at oplan sita ng HPG sa iba’t- ibang bayan sa lalawigan. Pero sa kabila nito marami

pa rin ang nahuhuli at minsan ay sa parehong violation.

Muli namang nagpaalala ang HPG sa mga motorista na sumunod sa batas upang makaiwas sa multa lalo na kung TOP ang inisyu.

Sa mga nakaraang operasyon ng HPG madalas ay may kasama ang mga itong local enforcer para sa halip na TOP ay Traffic Citations Ticket (TCT) ang iisyu na mas magaan ang multa.

Pero sa mga pagkakataong walang kasamang local enforcer tulad kahapon ay TOP lang ang iniisyung ticket.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *