Mga assistance devices, naging pangunahing hiling ng mga PWD sa PDAO- Naga

NAGA CITY – Mga assistance devices o mga tungkod at wheelchair ang nagiging pangunahing request o kahilingan ng mga Persons With Disability sa Naga City Persons With Disabilities Affairs Office (PDAO) sa buwanang isinasagawang People’s Day sa lungsod.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga nang makapanayam si Atty. Paul Jonh Barrosa, Head ng PDAO-Naga.

Kung saan agad-agad namang natutugunan at nabibigyan ng Lokal na Pamahalaan kung available ang mga gamit.

Maliban sa mga tungkod at wheelchair, kasama sa kahilingan ang nebulizer, salamin na idenidirekta sa City Optometrist, upang masukatan, may mga lumalapit rin para magpa-PWD ID kung saan dadaan muna sa City Health para kumuha ng Medical Certificate at sa Department of Health para sa guidelines bako sa naturang opisina.

May mahigit 1,000 nang mga PWD sa lungsod ang nabigyan na ng tungkod, 110 naman ang sa wheelchair at 2,500 mahigit ang nabigyan ng salamin ngayong taon.

Samantala, mas dumami ngayon ang mga rehistradong PWD sa lungsod na umabot na sa 6,312 katao at ang kasalukuyang may mga PWD ID, patuloy rin ang paghihikayat ng naturang opisina na magparehistro na ang mga PWD sa lungsod na hindi pa rehistrado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *