Barangay tanod sinamurai ng pinsan, patay sa Tuy, Batangas

Patay ang barangay tanod matapos na sinaksak ng sariling pinsan na lasing gamit ang 20 pulgada na haba ng samurai sa Purok 2, Brgy. Bolbok ,Tuy, Batangas.

Kinilala ng Tuy Municipal Police Station ang biktima na si Gregorio Atasan y Del Mundo, 62 anyos, at residente ng naturang barangay.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 4:00 ng hapon noong nakaraang Linggo, Nobyembre 20, bigla na lamang umanong sinugod ng suspek na si Javier Del Mundo, 41 anyos, ang biktima habang nasa loob ito ng kanilang bahay.

Sa panayam Brigada kay Major Eugenio Solomon, hepe ng Tuy MPS, kapwa lasing ang suspek at ang biktima at nagkaroon ng pagtatalo dahil sa kanilang dating alitan.

Bigla na lamang sinaksak ng suspek sa kanang dibdib ang biktima gamit ang naturang samurai na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Tuluyang naaresto ng mga awtoridad ang suspek at mahaharap sa kasong pagpatay.

Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Tuy MPS.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *