Holiday alert!

DEKLARADONG special non-working holiday ang araw ng Martes, July 20, 2021 bilang pag-gunita sa Eid’ al Adha o Feast of Sacrifice.


Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea, alinsunod ito sa nilagdaan nang proclamation number 1189 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nabibigay pagkakataon sa mga Filipinong Muslim na ipagdiwang ang Eid’ al Adha.


Ang Eid’ al Adha ay isa sa dalawang pangunahing festival ng mga mananampalaya ng Islam bilang paggunita sa ginawang sakripisyo ni Propera Abraham bilang pagsunod sa utos ni kaisa-isang Panginoong Allah.


Una ng ideneklara ng BARMM Government sa pamamagitan ni Bangsamoro Grand Mufti Sheik Abu Huraira Udasan na ang pagsasagawa ng Eid prayer ay itinakda sa ikasampung araw ng Julhijjah sa Hijra calendar at ito nataon sa araw ng Martes, bukas.


Sa mga magsasagawa ng pagsasambayang, ipinapayo pa rin sa kanila ang pagsunod sa mga minimum health standard bilang bahagi ng pag-iingat sa nakakahawang sakit na COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *