House, ipa-prayuridad ang P405.6-B Bayanihan 3

Itutuloy ng House of Representatives ang pagpasa sa P405.6-billion Bayanihan 3 o ang “Bayanihan to Arise As One Act” sa oras na magresume ang sesyon ngayong araw.

Ayon kay House Majority Leader Martin Romualdez, ipa-prayuridad ng House of Representatives ang panukalang Bayanihan 3 para makatulong sa pandemic-battered economy.

Giit ni Romualdez, kailangan ng bansa ang Bayanihan 3 para makatulong na matiyak na mabilis na magrerekober ang ekonomiya mula sa coronavirus disease 2019 crisis sa pamamagitan ng malakas, sustainable, at resilient manner.

Ibinahagi rin ng mambabatas na may tatlong linggo nalang sila para maipasa ang naturang mahalagang panukala na makakatulong sa kapwa mga Pilipino na apektado ng pandemya.

Sa gitna nito, kampante rin ang Kamara na bago mag-adjourn ang sesyon, ay maipapasa na nila ito. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *