Isang bahagi ng PGH, nasunog

Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng government-run Philippine General Hospital (PGH) sa Taft Avenue, Manila, pasado alas 12:00 ng madaling araw ng Linggo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, umabot sa ikalawang alarma ang apoy, kung saan inilakas rin ang ibang occupants.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa linen room sa ikatlong palapag ng ospital, kung saan 2:46 ng madaling araw nang ideneklara ng BFP na under control ang apoy, habang alas 5:41 na ito tuluyang naapula.

Ibinahagi naman ni Fire Chief Inspector Hector Agadulin, chief of operations of the Bureau of Fire Protection-Manila, na apektado ang bahagi ng operating room, pero paglilinaw naman ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, ang operating room sanitization area sa Central Block Building, at hindi mismo ang operating rooms ang apektado ng sunog.

Samantala, wala namang naitalang sugatan o nasawi sa naturang insidente.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa dahilan ng sunog, habang ang dahe cause of the fire. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *