Housewife Compensation Bill, isusulong ni 1st district Congw elect Dette Escudero

SORSOGON CITY – Nais isulong ni Sorsogon 1st District Congresswoman elect Dette Escudero ang Housewife Compensation Bill sa oras na siya ay maupo na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

 Sa panayam ng Brigada News sa kongresista, sinabi nito na nais kasi niyang mabigyan ng ayuda na P1K kada buwan ang mga housewife na walang trabaho at mga kumikita ng below minimum wage.

Ayon sa opisyal, naiintindihan kasi umano niya ang bigat ng trabaho ng mga nanay kung saan kahit umano sa ganitong paraan ay maiparamdam sa mga ito na sila’y pinapahalagahan at matulungan din kahit papaano.

Si Dette Escudero ay ang bunsong kapatid ni Senator Elect Chiz Escudero at papalitan sa puwesto ang kanyang nanay na si Congresswoman Evie Escudero.

Leave a Reply

Your email address will not be published.