Ilang barangay sa Pampanga, kabilang sa Regional Awardees ng lupong tagapamayapa incentive awards

Kabilang ang ilang barangay sa lalawigan ng Pampanga sa regional awardees ng Lupong Tagapamayapa Incentive Awards ngayong taon.

Parehong hinirang na regional winner ang barangay Balibago sa Angeles city para highly urbanized city category at bgy Malpitic sa component city category.

First runner up naman ang barangay Balucuc sa bayan ng Apalit sa 1st to 3rd class municipality category.

At 2nd runner up ang barangay San Vicente sa bayan ng Sto Tomas, para sa 4th to 6th class municipality.

Samantala kasama sa mga criteria na pinagbatayan ang kahusayan sa mga operasyon, epektibong paraan ng pagsasaayos ng mga interpersonal na relasyon o alitan, pagkamalikhain at pagkamapamaraan ng lupong tagapamayapa, at pagbibigay ng pinansyal at iba pang uri ng suporta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *