Ilang mangingisda sa Batangas – idinaraing ang hirap sa paghinga dulot ng sulfur dioxide na ibinubuga ng Bulkang Taal

Hirap sa paghinga ang idinadaing ng ilang mangingisda partikular sa Laurel, Batangas dahil sa ibinubugang sulfur dioxide ng Bulkang, Taal.

Ayon sa harvester na si Bernard Mayuga, bukod sa hirap sa paghinga, nakakaranas din daw sila pananakit sa dibdib.

Mabaho at hindi raw talaga nila kaya ang amoy na parang pulbura ang binubuga ng bulkan.

May ilang mangingisdang may asthma na rin ang hindi pinapayagang makapaglaot muna.

Sa kabila ng patuloy na pag aalboroto ng bulkan, tuloy ang kanilang negosyo sa bayan ng Laurel.

Mula alas singko kahapon hanggang kaninang alas singko ng umaga walang naitalang volcanic earthquake ang phivolcs ngunit may naobserbahang steaming activity kahapon na umabot sa 1800 meters.

Nakataas pa rin sa alert level 1 ang bulkang taal at wala pa umanong balak itaas ito.

May mga parameters umanong kinokonsidera ang phivolcs bago ito itaas sa alert level 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *