Ilang mga lugar sa Bicol region na mayroon nang sanitary landfills, inilatag ng EMB Bicol

LEGAZPI CITY – Inilatag ng Environment Management Bureau (EMB) Bicol ang kanilang datos o bilang ng mga lugar sa rehiyon na mayroon nang mga sanitary landfills.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay EMB Bicol Chief of Solid Waste Management, Bombet Lita, sinabi niyang apat na lokal na pamahalaan na sa lalawigan ng Albay ang mayroon nang sanitary landfills; siyam sa Camarines Sur; isa sa Catanduanes; habang tigda-dalawa naman sa Masbate at Sorsogon.

Tinukoy naman ni Lita ang partikular na mga lugar sa Albay, kung saan kinabibilangan ito ng bayan Daraga, mga lunsod ng Tabaco at Legazpi, habang mayroon din sa bayan ng Bacacay.

Matagal na umano itong requirement sa bawat lokal na pamahalaan ng mga lugar alinsunod sa Republic Act No. 9003 o an “Ecological Solid Waste Management Act of 2000”, at matapos itong maaprubahan, ni-require na silang maglagay ng sanitary landfills pagkatapos ng dalawang taon, habang isinasara ang kanilang open dam sites.

Isa rin sa kinakailangang tuparin ng mga LGUs batay sa nasabing batas ay ang pagkakaroon ng solid waste management plan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *