Ilang posisyon sa CNPH dapat likhain batay sa position paper ng PHO

CAMARINES NORTE- Inirekomenda ng Provincial Health Office na likhain ang ilang posisyon para sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).

Batay sa position paper na isinumite ng PHO bago pa man aprobahan ng Sanggunaing Panlalawigan ang pag abolish sa mga posisyon, nakapaloob dito na dapat likhain at kakailanganin ang ilang mga posisyon sa ilalim ng Provincial Health.

Kabilang dito ang isang Chief of Hospital (SG- 25),  isang Chief Medical Professional Staff I (SG- 25), limang Administrative Officer V at isang Pharmacist I.

Habang ang mga posisyon umanong pwede namang i- abolish ay ang isang Midwife I na nilikha sa ilalim ng SP Res. 085- 2019, Senior Administrative Assistant II, Dental Aide, Seamstress, Medical Officer V, Pharmacist II at Dentist IV.

Kung ang mga panukalang posisyon ay hindi likhain, nanindigan ang PHO na panatilihin ang kasalukyang plantilla positions dahil ang posisyong Medical Officer V ay maaaring i- reclassified sa posisyon ng Chief of Hospital II.

Pareho rin ng Dentist IV, Pharmacist II, Midwife I, Senior Administrative Assistant II, Dental Aide na maaaring bigyan ng karagdagang function upang ang kani- kanilang unit ay mag- operate.

Ayon pa sa tatlong pahinang position paper na pirmado nina Provincial Health Officer II Dr. Arnel Francisco at Acting PHO I Dr. Rachelle Diezmo, inirerekomendang huwag buwagin ang ilang mga posisyon tulad ng apat na Midwife I, apat na Administrative Aide III, isang Administrative Aide I, isang Security Guard II, isang Administrative Assitant II, isang Supervising Administrative Officer at dalawang Administrative Officer III at isang Administrative Officer V.

Kabilang din sa inirekomenda ng PHO na huwag buwagin ay ang  dalawang Medical Officer III, isang Medical Laboratory Technician I, apat na Nursing Attendant II, isang Administrative Officer 1, isang Radiologic Technologist 1, isang Social Welfare Officer II at isang Administrative Assistant III.

Ang mga nabanggit na posisyon umano ay kailangan sa kasalukuyang licensing status at para sa accreditation ng CNPH bilang level 2 general hospital na mayroong 150 authorized bed capacity.

Kapag na- abolish umano ang mga nabanggit na posisyon ay ano na lamang ang mangyayari sa operasyon ng CNPH at sino ang magiging head ng mga section o departamentong ito.

Hindi umano makakakuha ng License to Operate at Accreditation ang CNPH mula sa DOH at Philhealth.

Bukod dito may mga proposal din ang PHO noon na isinumite sa SP bago aprobahan ang pag abolish sa mga posisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *