Ilang residente sa isang subdibisyon sa lungsod ng naga, nagkakasakit na dahil sa maruming tubig

NAGA CITY – Ilang residente sa isang subdibisyon sa lungsod ng Naga ang nagkakasakit na dahil sa maruming tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo.

Ayon kay Jane Balares, Home Owner President ng Deca Homes Subdivision Grandvalle 3 sa Barangay San Felipe, Naga City ilang sakit na sa balat ang kanilang nakukuha dahil sa maduming tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo, tulad na lamang ng mga rashes at pagpapantal sa balat.

Pagbibigay diin ng opisyal, 3 taon na nila itong problema at ilang beses na rin itong idinulog sa management ng Beta Waters, ang water system provider ng nasabing subdibisyon, subalit ikinikibit balikat lamang ito.

Panawagan ng mga residente sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod, mabigyan sana ito ng aksyon sa lalong madaling panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *