Ilang tanggapan ng LGU Daet, pansamantalang isinara sa publiko

CAMARINES NORTE- Ipinagbigay alam sa publiko ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Daet na pansamantalang sarado sa publiko ngayong araw ang ilan sa kanilang mga tanggapan

Kabilang dito ang:

1. Office of the Mayor

2. Office of the Municipal Administrator

3. General Services Office

4. Municipal Information Office

5. Municipal Legal Office

6. Municipal Accounting Office

7. Bids and Awards Committee (BAC) Office

8. Public Employment Service Office (PESO)

9. Municipal Treasurer’s Office

Sa ibinigay na impormasyon ng Daet Municipal Information Office, Ito ay para sa isasagawang mandatory Rapid Antigen Testing sa mga empleyado nito

Ang mandatory testing ay isinasagawa upang matiyak ng LGU-Daet ang kaligtasan ng mga empleyado at kliyente nito mula sa sakit na COVID-19 at maiwasan ang patuloy pang pagdami nito.

Nanawagan naman ang naturang tanggapan sa publiko na patuloy na isagawa ang mga kaukulang pag-iingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *