Inflation rate, inaasahang mas tataas pa sa mga susunod na buwan ayon sa isang ekonomista

Inaasahang mas lalala pa o magpapatuloy ang pagtaas ng inflation rate o ang bilis ng pagmahal ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Ayon kay Professor Emmanuel Leyco, isang ekonomista, hindi pa kasama sa naitalang 7.7 percent inflation noong Oktubre ang epekto ng Bagyong Paeng.

Sinabi ni Leyco na ang bulsa ng mga mamamayan ang apektado ng pagtaas ng inflation.

Gayunman, ang epekto umano ng inflation ay magkakaiba sa bawat tao.

Nakadepende aniya ito sa income level, sa mga binibili at sa mga lugar na kinaroroonan.

Dahil dito, sinabi ni Leyco na napapanahon na para muling itaas ang sahod ng mga manggagawa sa bansa.

Aniya, ang mga manggagawa ang lubhang apektado ng inflation lalo pa’t ang mas magre-reflect o mararamdaman nila ay ang food inflation na nasa 12 percent.

Mababatid na ito na ang pinakamataas na inflation rate simula nang magkaroon ng pandaigdigang krisis sa pananalapi simula pa noong 2008.
#

RELATED STORIES:

Inflation rate ng bansa, lumobo pa sa 7.7%

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *