Kahandaan ng bansa ukol sa tsunami, patuloy na pinapalakas ng PHIVOLCS

Patuloy ang mga ginagawang hakbang ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kaugnay sa kahandaan ng Pilipinas sa tsunami.

Kasabay ng pag-obserba World Tsunami Awareness Day ngayong araw, target ng Phivolcs na maglunsad ng isang ‘infopress’ para magkaroon ang mga Pilipino ng mas malalim na kaalaman tungkol sa tsunami.

Ayon sa PHIVOLCS, layunin ng World Tsunami Awareness Day na pataasin ang kaalaman ng mga tao sa tsunami at ibahagi ang iba’t-ibang paraan upang mabawasan ang pinsala nito.

Kaugnay pa nito, patuloy rin ang Phivolcs sa pagpapalakas at pagpapahusay sa tsunami monitoring at communication system ng bansa.

Sa katunayan daw, mayroon na ngayon ang Pilipinas na 29 sea-level monitoring stations at 55 tsunami alerting stations sa iba’t-ibang lugar.

Bukod naman sa mga naturang inisyatibo, patuloy rin ang ahensya sa pag-promote ng community-level awareness ukol sa mga indikasyon na posibleng may tumamang tsunami sa kanilang lugar.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *