Inflation rate ng bansa, lalo pang bumilis sa record-high na 6.4%

Lalo pang tumaas ang inflation rate ng bansa nitong nakalipas na Hulyo.

Ayon sa report ng Philippine Statistics Authority, ang 6.4% na inflation noong Hulyo ang pang-limang straight na buwan ng pagtaas.

Ang inflation rate noong July ang maituturing na fresh three-year high simula noong October 2018 kung saan naitala ang inflation sa 6.9%.

Matatandaan na naitala ang inflation ng bansa noong Hunyo sa 6.1% .

Halaga ng piso noong 2018, 86 centavos na lang ngayon

Ayon kay Mapa, katumbas na lamang ng 86 na sentimo ngayong July 2022 ang halaga ng piso noong 2018.

Mas mababa pa ito kumpara sa estimate nila noong nakaraang buwan ng Hunyo kung saan ang piso noong 2018 ay nasa 87 sentimo pa.

Sinabi ni Mapa na ang patuloy na pagbaba ng halaga ng piso ay dahil sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga consumer goods at serbisyo sa bansa.

Bangko Sentral ng Pilipinas, nilinaw na pasok pa rin sa forecast ang mabilis na inflation rate ng bansa

Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang naitalang record-high na 6.4% inflation sa bansa ay pasok pa rin naman sa kanilang forecast.

Ayon sa BSP, para sa July 2022 inflation, tinanya nilang maglalaro ito sa 5.6 to 6.4% – kaya naman ‘consistent’ pa rin ang bagong ulat ng PSA ngayong araw.

Inaasahan umanong tataas ang inflation sa 2022 at 2023 ngunit posibleng maging balanse na sa 2024.

Kabilang sa mga upside risks sa pagbilis pa ng inflation ay dulot ng mataas na global non-oil prices dahil sa giyera sa pagtitan ng Ukraine at Russia; ptoensyal na ‘2nd round’ impact o epeketo ng mataas na presyo ng krudo sa mga commodity prices gaya ng goods at services; at ang kakulangan sa suplay ng pagkain na nagdudulot naman ng pagtaas ng domestic food prices.

Para naman sa donwside risks sa inflation, maaaring idulot ito ng mabagal na global recovery dulot ng paghihigpit sa global monetary policy conditions; pati na rin ang ‘uncertainty’ sa sitwasyon ng COVID-19 pandemic.

Sa huli, tiniyak ng BSP na handa itong gumawa ng mga karampatang monetary actions para mapanatili sa consistent rate ang inflation ng bansa at mapanatili ang price stability.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.