Inspeksyon sa mga gusali at bahay matapos ang mga lindol ipinayo ng PHIVOLCS matapos ang dalawang magkasunod na lindol

NAGA CITY-Kailangan mainspeksyon ang mga gusali at mga bahay matapos ang dalawang magkasunod na lindol , ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS)- Bicol.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Paul Alanis ng PHIVOLCS- Bicol sinabi nitong mahina man ang pagyanig may epekto pa rin ito.

Mababatid na kahapon Enero 17, 2023 , yumanig sa Camarines Norte ang 5.3 Magnitude na lindol, naramdaman din ito sa lalawigan ng Camarines Sur. Noong Sabado naman Enero 14, Magnitude  3.2 sa Camarines Sur na umabot din sa Camarines Norte ang intensity.

Batid naman ni Alanis na bumabalik ang trauma ng ilan pero ayon dito huwag nang magtaka kung may sunod pang lindol dahil may mga active fault line sa bansa. Kailangan aniya alam ang gagawin at mai-apply ang mga ginagawa sa earth quake drill.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *