Kambal sa Ohio, literal ang pagiging pareho sa lahat ng bagay

KAMANGHA-MANGHA ang pagkakapareho sa lahat ng bagay ng isang kambal sa Ohio na sina Jim Lewis at Jim Springer dahil kahit na halos buong buhay silang hindi nagkasama maraming mga bagay ang kakatuwang pumapareha sa buhay nilang dalawa.

Ang kambal ay halos 39 years rin na nagkawalay, simula pa lamang kase ng kanilang kapanganakan ay inampon na ito ng dalawang magkaibang pamilyang hindi magkakilala, kaya wala silang ideya na sila ay kambal at magkapatid.

Ngunit tila ba pinaglalaruan sila ng pagkakataon sa kabila kase ng  kanilang pagkakawalay nakakatuwang sila ay  nagkakapareho  sa napakaraming bagay sa kanilang buhay.

Una na rito ang parehong pangalan na Jim na ibinigay sa kanila ng kani-kanilang magka-ibang  pamilya; pangalawa ay ang pareho nilang hilig sa mechanical drawing at carpentry; pangatlo pareho rin silang may alaga na aso na ang pangalan ay pareho rin Toy.

Samantala hindi lang doon nagtatapos ang lahat dahil ng pumasok sa pagpapamilya ang kambal parehong Linda ang pangalan ng kanilang napangasawa; pareho rin nagkaroon ng lalaking  anak ang kambal na pareho rin nilang pinangalang James Allan.

Sa paglipas ng panahon sabay ring deneborsyo ng kambal ang kanilang dating asawa at sa pangalawang pagkakataon magkatukayo muli ang kanilang pangalawang  asawa na sina Betty.

Sadyang hindi nga makakaila ng magkapatid na sila ay tunay na  kambal magkalayo man sila o hindi.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *