Isa pang ‘Marcos’ naghain ng kandidatura sa pagka-presidente

Nagpapatuloy ang pagtanggap ng Commission on Elections ng certificate of candidacy (COC) sa mga nagnanais na tumakbo sa 2022 Elections.

Sa ikalimang araw ng filing ng COC para sa national post sa Harbor Garden Tent sa loob ng Sofitel Philippine Plaza Manila, agaw pansin ang paghahain ng isang Maria Aurora Marcos para sa pagka-pangulo.

Ito ang kauna-unahang kandidato na nagfile ng COC sa pagka-pangulo ngayong Biyernes.

Si Maria Aurora ang ikalawang ‘Marcos’ na naghain ng kanilang COC matapos maghain ng kanyang presidential bid ang isang Tiburcio Marcos noong October 3.

Samantala nadagdag naman sa listahan ng pagka senador sina Samuel Hardin at si Atty. Lorenzo “Larry” Gadon habang pitong partylist naman ang nagfile ng kanilang COC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *