Isa pang suspek sa pagpatay sa negosyante sa lungsod ng Sorsogon, arestado

SORSOGON CITY – Arestado ang isa sa limang suspek sa pagpatay sa isang negosyante sa lungsod ng Sorsogon.

Umaga noong Agosto 18, sa Brgy Pangpang, West District ng Sorsogon City, nang hainan ng kanyang warrant of arrest si Ezekiel ER Pineda Calolot alias Ezekiel, binata, walang trabaho at naninirahan sa Brgy Balogo, East District ng nasabing lungsod.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 52 sa kasong murder na walang itinakdang piyansa.

Si Calolot ay isa sa itinurong kasabwat sa pagpatay sa negosyanteng si Orlando Rizalte Gacias, 58-anyos, may asawa, dating opisyal ng Sorsogon City Water District.

Nagsilbi umano itong ‘look-out’ nang pagbabarilin ng riding-in tandem ang biktima, hapon noong Hunyo 21 ng kasalukuyang taon sa Seabreeze Subd, Brgy Cabid-an lungsod ng Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *