Isa sa mga nasawing OFW sa pagbaha sa UAE, tubong Cagayan

Nakatakda sanang magbakasyon sa Cagayan sa Setyembre ang isang Overseas Filipino Worker na kabilang sa nasawi sa nangyaring pagbaha sa United Arab Emirates noong April 17, 2024.

Una rito, kinilala ang OFW na si Marjorie Saquing Ancheta mula sa Barangay Masical, Amulung, Cagayan.

Salaysay ng Nanay nito na magbabakasyon sana sa Setyembre si Marjorie upang ipagdiwang ang kaarawan ng kaniyang kambal na anak subalit ikinalungkot ng kanilang pamilya na hindi na ito maisasakauparan pa dahil nasawi ito sa nasabing kalamidad.

Napag-alaman na mag-isang itinataguyod ni Marjorie, isang guro sa ibang bansa ang kaniyang naulilang tatlong anak kung saan ang panganay nito ay 8-anyos habang isang taong gulang naman ang kaniyang kambal.

Batay pa sa ina ni Marjorie, personal na nagtungo sa kanilang tahanan ang mga kawani ng ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 02 upang ipaalam ang nangyari at nangakong magbibigay ng tulong.

Posibleng maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Marjorie bukas o sa araw ng huwebes habang patuloy na inaantay ng Department of Migrant Workers ang ulat ng UAE authorities hinggil sa opisyal na imbestigasyon sa pagkasawi Ng nasabing OFW na tubong Cagayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *