Isa sa mga pinangalanang media consultants na conterminous kay dating Albay Gov. Rosal na hindi na umano nagrereport sa kapitolyo, nagsalita na

Nagsalita na sa publiko ang isa sa mga pinangalanang media consultants ukol sa isyung hindi pagrereport sa provincial capitol mula nang umupo ang bagong gobernador na si Atty. Grex Lagman kahit hindi pa man tapos sa kanilang kontrata.

Kabilang sa mga taga-mediang pinangalangan ay sina Bobby Ala bilang Consultant on Public Affairs; Elmer Bandol, Consultant on Cooperative Management; Antonio Baria, Consultant on Culture and Arts; Tomas Jarilla, Consultant on special project; Walter Magdato, Consultant on Social Media Affairs at Diego Obido bilang Consultant on Public Policies and Programs.

Bukod dito, kasama rin ang isang barangay kagawad na si Mark Bien bilang project coordinator. Ang mga nabanggit na pangalan ay pawang conterminous kay dating Albay Gov. Noel Rosal.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Diego Obido, sinabi niyang simula nang umupo ang bagong gobernador at naglabas ng memorandum na nagti-terminate sa lahat ng conterminous employees kay Rosal ay hindi na rin siya nagrereport sa kapitolyo.

Aniya, sa nasabing memorandum ay wala namang nakalagay na clarification kung kabilang sa termination ang mga empleyadong hindi pa tapos sa kani-kanilang mga kontrata.

Dagdag pa nito, kapag wala na ang pointing officer ay hindi na rin dapat silang manatili pa sa kapitolyo dahil inilagay sila batay sa tiwala at kumpiyansa ngunit kinakailangan pa rin ng eligibility.

Matatandaan, sa kasulatang inilabas ng Provincial Legal Office na pirmado ni officer Atty. Susan Barrios-Cas, ipinag-uutos sa kanilang dapat silang sumailalim sa render consultancy services at kailangang agad na magreport sa opisina ng gobernador.

Kapag hindi naman nakapagcomply ang nabanggit na mga indibidwal ay maaaring sampahan sila ng kasong nakapalaman sa Rule 22 section 68 ng RA 9184 o Government Procurement Reform Act.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *