Blood donation activity, isinagawa sa bayan ng Camalig, Albay

Kamakailan ay inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Camalig, Albay ang tungkol sa isasagawang mobile blood donation kung saan hinihiyakat ang lahat na magdonate ng dugo.

Batay sa pinakahuling update ng LGU, matagumpay na naisagawa ang nabanggit na aktibidad sa rural health unit ng Brgy. 2, Poblacion sa pangunguna ng Municipal Health Office.


Ayon dito, ilang mga residente mula sa iba’t ibang mga baranagy ang nakiisa sa pagdodonate ng dugo, at maging ang mga empleyado ng gobyerno at mga personahe ng katuwang na mga ahensya kasama ang mga non-government organizations ay nakiisa rin.

Layunin ng mobile blood donation na masiguro ang availability ng kalidad at ligtas na dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *