Isang bahay tinupok ng apoy sa Puerto Princesa

Iniimbestigahan pa rin ngayon ng Bureau of Fire Protection- Puerto Princesa City ang nangyaring sunog sa Carmen Compound Purok Bagong Buhay Barangay Bancao2x bandang alas 6:30 ng gabi ika- 14 ng Setyembre 2021.

Sa panayam ng Brigada News FM kay FO3 Mark Anthony Llacuna ay nakatanggap sila ng tawag bandang 6:58 ng gabi at agad namang rumisponde ang tauhan ng BFP at pagdating  nila sa lugar ay fire out na ito dahil narin sa tulon-tulong na pag-apula ng mga kapitbahay.

Wala pang pagkakakilanlan ang may-ari ng nasabing bahay dahil umano wala ito nang mangyari ang sunog.

Samantala gawa sa semi- concrete materials ang nasabing bahay, binalikan ng tauhan ng BFP ngayong umaga ang lugar para sa patuloy na imbistigasyon sa nangyaring insidente ng sunog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *