Isang bangkay ng lalaki, natagpuan sa basurahan sa bayan ng Sariaya, Quezon

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa basurahan sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon nitong Lunes, Marso 11.

Kinilala ang biktima na si alyas “Christopher” 48-anyos isang construction worker at residente ng Barangay Bignay ng nasabing bayan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bandang alas-7:30 ng umaga ng matagpuan ito ng isang residente ng nasabing barangay na siyang humungi ng tulong sa opisyales ng Barangay ng nasabing lugar.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *