Isang empleyado, natagpuang patay matapos maipit sa ‘fishbin’ sa GENTUNA Corporation

Natagpuang patay sa mga otoridad ang katawan ng isang lalaki na naipit sa gitna ng mga fish bin sa loob ng GENTUNA Corporation sa Purok Lansong, Barangay Tambler.

Ang nasabing lalaki kinilala na si Jerwin Yaman Ukom, dalawamput limang taong gulang na residente sa Purok 3, Talcon, T’boli South Cotabato.

Base sa report sa Tambler Police Station nagtatrabaho si Ukom bilang isang towing crew sa Gentuna at alas 7 ng umaga Agosto 10, nakita nalang ito ng kanyang kasamang trabahante na wala ng buhay dahil naipit sa fishbin.

Mabilis na pumunta sa police station ang gwardiya sa Gentuna para ipagbigay alam ang nagyari at binalikan nila ito kasama ang SOCO. Base sa imbestigasyon sa mga otoridad huling nakitang nag duty si Ukom Agosto 6, alas 6 ng umaga hanggang alas 6 ng gabi.

Simula noon hindi na nila ito nakita at inakalang nakauwi na sa kanilang bahay.

Kaya labis nilang ikinagulat ng matagpuan ang kanyang katawan sa nasabing lugar. Dinala sa Ariane Funeral Home ang bangkay ni Ukom. Samantala ayon sa hepe ng Tambler Police Station na si PMajor Ananias Vasquez na wala silang nakitang anumang foul play sa nasabing insidente.#(BNFM GENSAN | JANE ALIDO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *