Lalaki, patay matapos sunugin ang sarili

Patay ang isang lalaki matapos sinunog ang kanyang sarili sa Zone 4 Pasil, Barangay Kauswagan sa lungsod ng Cagayan de Oro.


Ayon kay Police Station 4 Carmen, Commander Police Major Mario Mantala Jr., hating-gabi ginawa ng biktima ang pagsunog sa kanyang katawan.


Posibli aniyang binuhusan ng nasabing lalaki ang kanyang katawan ng isang flammable liquid at sinindihan dahilan upang ito ay masunog.


Kaugnay nito, sinabi naman ng kapatid nito na nakaranas umano ng depresyon ang kanyang kapatid na lalaki pero tumanggi itong makihalubilo, at kamakailan lamang ay natuklasan na nag-mental breakdown ito.


Bagama’t lumabas sa imbestigasyon na walang komosyon o foul play sa lugar na pinangyarihan, inabisohan ng pulisya ang pamilya na maaring isailalim sa otopsiya ang labi ng biktima upang matukoy kung ano talaga ang dahilan ng kanyang pagkamatay.#(BNFM CDeO | JESSA PACALDO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *