Isang estudyante, kinain ang isang banana artwork na nagkakahalaga ng mahigit 8 million dahil raw sa gutom

Isang college student mula Seoul, South Korea ang kumain ng “Comedian,” isang 2019 artwork ng Italian artist na si Maurizio Cattelan na binubuo ng hinog na saging na nakakabit sa dingding na may duct tape.

Sa ulat ng The Straits Times, ang sikat na art piece  ay ipinakita sa isang museum sa South Korea nang mangyari ang insidente noong Huwebes.

Isa ito sa 38 art pieces mula sa 1900s na kasalukuyang available for viewing sa  Cattelan’s “WE” exhibit at the Leeum Museum of Art.

Ang artwork ay iniulat na nagkakahalaga ng naasa $160,000 (P8.9 milyon)

Ayon sa ulat, kinuha ng estudyante ang saging,  kinain ito, at idinikit ang balat.

Nang tanungin siya ng museum staff kung bakit niya ito ginawa, sinabi niyang nagugutom raw siya dahil hindi siya nakapag almusal noong araw na iyon.

Inakala rin daw nito na ang pagkain ay isa ring uri ng sining.

Ang Cattelan’s banana ay pinapalitan tuwing dalawa hanggang tatlong araw.

Nagpasya ang museo na huwag nang mag-claim ng pinsala mula sa estudyante.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *