Isang Pinoy sa Singapore nagpapagaling mula sa monkeypox – DFA

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na mayroong Filipino sa Singapore ang nagpositibo para sa monkeypox.

Batay sa local situation update ng Singapore’s Ministry of Health (MOH) noong July 25, na ang pasyente ay isang 31-taong gulang na lalaki.

Ayon kay DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza, na batay pa sa MOH, ang Filipino patient ay nagpositibo sa monkeypox noong July 25, at kasalukuyang naka-confine sa Singapore General Hospital (SGH), bagama’t nasa stable na umano ang kondisyon nito.

Nilinaw naman ni Daza na ang kaso ay iba mula sa unang infection na napaulat sa Pilipinas na isang 31-taong gulang na lalaki rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *