Jeepney drivers sa Sorsogon ‘no choice’ kundi pagsumikapang bayaran ang loan sa ilalim ng Jeepney Modernization program

SORSOGON CITY – Inihayag ng grupo ng mga jeepney drivers sa lalawigan na dahil tuloy-tuloy na ang Jeepney Modernization program ay wala na talaga silang mapagpipilian kundi pagsumikapan sa kahit na anumang paraan na mabayaran ang loan sa banko sa ilalim ng nasabing programa.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon sa presidente ng Sorsogon Integrated Transport Fedration (SORINTRAFED) na si Ramon Dealca,  sinabi nito na mayroon ng abiso ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa kanila kung saan nasa proseso na ang loan ng mga nito.

Batay sa datos, P160,000.00 ang ibibigay na ayuda ng pamahalaan sa lahat ng tsuper habang nagkakahalaga naman ng mahigit P2M ang isang unit ng modernong jeepney.

Ibig sabihin nito, ang matitirang nasa P1.8M ang paunti-unti na babayaran ng isang tsuper mula sa kanyang kita sa pamamasada na sadyang mabigat lalo na kung walang ibang alternatibong kabuhayan ang isang driver.

Sa kasalukuyan, walang ibang magagawa ang grupo kundi palakasin ang loob ng bawat isa lalo na at  ito ay ganap nang batas na kailangan nilang sundin.

PHOTO : LGU-Gubat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *