4, kabilang ang tatlong lolo arestado sa ‘tong-its’

SORSOGON CITY – Arestado ang apat na indibidwal, kabilang ang tatlong senior citizen sa ikinasang anti-illegal gambling operations ng mga tauhan ng Sorsogon City Police sa West District ng lungsod.

Huli sa aktong naglalaro ng ‘tong-its’ sina Hirminio Jarabejo Celestra, 69-anyos, may asawa, tricycle driver, naninirahan sa Brgy Tugos ng nasabing lungsod; Francisco Jintalan Pellejera, 60-anyos, magsasaka at operator ng sugalan; Lino Constantino Malgapo, 72-anyos, biyudo, walang trabaho at Caridad Labitag Diaz, 56-anyos, may asawa, walang trabaho, lahat naninirahan sa Brgy Peṅafrancia ng nasabing distrito.

Ayon sa ulat, nagkasa ng simultaneous anti-criminality and law enforcement operations o SACLEO ang Sorsogon City Police kaninang alas 3:30 ng hapon at naaktuhan umano ang apat na suspek na nagsusugal sa nasabing lugar.

Nasamsam sa mga ito ang 4 na set ng baraha at perang taya.

Mahaharap sa kaukulang asunto ang mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *