Justice Sec: nais ng Administration na tutukan ang mga big-time drug suppliers

Nais umanong tapusin na ng Marcos administration ang small-time buy-bust operations na isinasagawa araw-araw o linggo-linggo, at muling pagtuonan ang big-time drug suppliers.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na ang totoong problema ng bansa pagdating sa ilegal na droga ay ang mga malalaking drug players at multi-million peso enterprises

Sinabi rin ni Remulla, na nais ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mas ‘compassionate’ na uri ng hustisya.

Matatandaan na noong May 2022, ibinahagi ni Marcos na hiniling umano sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang war on drugs, pero sa kanyang sariling paraan na.

Samantala, nangako naman si Remulla na ang lahat ng uri ng reporma sa criminal justice system ng bansa ay makokompleto bago ang 2028 elections.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *