Kabuuan ng mga nagawa ng CNPPO-Pulis Bantayog kaugnay sa mga ilegal na gawain sa lalawigan ng Camarines Norte para sa ikalawang linggo ng Marso, isina-publiko

CAMARINES NORTE- Inilatag ng Camarines Norte Police Provincial Office – Pulis Bantayog ang kanilang accomplishment nitong mga nakatalikod na araw kaugnay sa mga ilegal na gawain sa lalawigan ng Camarines norte.

Sa kabuuang opisyal na talaan ng mga accomplishment ng CNPPO-Pulis Bantayog noong March 6 hanggang March 12, 2023, isa ang bilang ng isinagawang operasyon para sa ilegal logging kung saan isang katao ang naaresto.

Isang operasyon naman ang isinagawa kaugnay sa Illegal Gambling kung saan 8 katao ang naaresto at may bet money na nakumpiskang  nagkakahalaga ng Php 228.

6 na firearms naman ang isinurrender ng sibilyan sa kapulisan, isa ang naaresto at isang firearm ang kumpiskado.

Samantalang sa illegal fishing, tatlo ang ikinasang operasyon at may kabuuang anim na kataong naaresto.

Ayon sa kapulisan ng CNPPO-Pulis Bantayog, ang naturang bilang ng mga operasyon, naaresto, at mga nakumpiska ay resulta umano ng  matagumpay na Police Operations sa iba’t ibang bayan sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *