Kakai Bautista, overwhelmed sa pagtatanggol sa kanya ni Kuya Kim

Emosyonal ang komedyante na si Kakai Bautista sa pagtatanggol sa kanya ni Kuya Kim sa isang news article kaugnay sa pahayag ni Mario Maurer.

Sa nasabing artikulo ay sinabi ni Maurer na ikinatutuwa nito ang pag-iidolo sa kanya ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Nag-good luck rin si Mario kay Rabiya para sa sasalihan nito sa Miss Universe.

Mababasa naman sa comments section ang pahayag ni Kuya Kim kung saan ay sinabi niya: “No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that.”

Agad naman kinuhanan ng entertainment press ng reaksyion si Kakai na sentro ng nasabing isyu.

Ayon kay Kakai, overwhelmed at teary-eyed siya sa nabasa niyang komento ni Kuya Kim sa artikulo na naipost online.

Ipinunto ni Kakai na ngayon lang siya nagkaroon ng mga vocal na tagapagtanggol sa nasabing isyu matapos lumipas ang maraming taon.

Matatandaan na nakatrabaho ng singer-commediene ang Thai actor sa pelikulang Suddenly, It’s Magic ng Star Cinema noong 2012.

Nitong taon lamang ay nakatanggap ang management ni Kakai ng demand letter mula sa legal counsel ng kompanya na humahawak sa career ni Mario Maurer, kung saan ay pinatitigil nito ang paggamit ni Kakai sa pangalan ng aktor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *