Kakulangan ng physical activity at kawalan ng ambisyon ng mga kabataan, pinasisilip sa Senado

Ikinabahala ni Senador Sonny Angara ang lumabas na pag-aaral kung saan mayorya ng mga Filipino youth ay kulang sa physical activity at wala ding ambisyon sa buhay.

Dahil dito inihain ni Angara ang Senate Resolution No. 226 na nag-uudyok sa Committee on Youth na magkaroon ng inquiry upang mahanapan ng solusyon ang naturang isyu at mapigilan ang posibleng long term effects sa mga kabataan.

Batay sa pag-aaral ng World Health Organization (WHO)na inilabas noong 2019 apat mula sa lima o 81 % ng mga Pinoy na may edad 11 hangang 17 ay napag-alamang kulang sa physical activity.

Ang naturang figures ay batay din sa 2016 data, kung saan ang Pilipinas ay nagtala ng pinakamataas na insufficient activity among sa mga kalalakihan (92.8%) at second highest naman sa mga kababaihan. (94.1%).

Kabilang sa mga dahilan sa mababang physical activity ay ang mataas na mobile phone usage o screen time at kakulangan ng safe and open public spaces para makapagsagawa nito.

Samantala sa hiwalay na pag-aaral na isinagawa ng Dream Project PH, lumabas na 8 sa 10 Pinoy na teenager ay walang pangarap.

Tinukoy ng pag-aaral ang mga sumusunod na dahilan kung bakit 80 porsiyento ng mga kabataang Pilipino ay walang pangarap: kawalan ng pakikipag-usap upang mapangalagaan ang pangarap o layunin ng isang bata; ang kawalan ng mga huwaran; limitadong pananaw sa mga tuntunin ng paghamon at paghikayat sa kanila na gumawa ng mga positibong pagbabago sa komunidad; limitadong mga pagkakataon sa kabila ng kanilang nakuhang edukasyon; at ang kalagayang pang-ekonomiya ng kanilang mga pamilya, na kadalasang pinipilit silang pumili sa pagitan ng survival o ituloy ang kanilang pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *