Kampo ni Cong. Teves, ki-nuwestyong ang narekober na granada sa kaniyang tahanan

Iba’t-ibang malalaking armas at pampasabog ang kabilang sa mga narekober mula sa properties ni Cong. Arnolfo Teves, Jr. sa simultaneous search warrants

Narekober ng mga otoridad ang ilang mga armas at explosives mula sa properties ni Cong. Arnolfo Teves, Jr. at kanyang mga staff sa Negros Oriental.

Ayon kay Col. Thomas Valmonte, chief legal officer ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group, na tatlong granada, 10 short firearms, anim na M4 rifles, 465 live ammunitions, 22 assorted magazines at 194 empty shells ang narekober mula sa iba’t-ibang lokasyon sa probinsya, sa isinagawang simultaneous implementation ng search warrants kahapon.

Depensa naman ng abugado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio, hindi naman daw ‘mangmang’ ang mambabatas para mag-iwan ng mga ‘katakot-takot’ na mga armas.

Aniya, kaya raw nilagyan ng granada ang mga na-rekober mula sa tahanan ni Teves ay para lang maging non-bailable ang kaso.

Hindi rin daw ito indikasyon na otomatikong guilty ang kaniyang kliyente.

Sa kasalukuyan, discretion na umano ni Teves kung babalik na ito ng bansa habang nagpapatuloy pa ang kaniyang medical treatment.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *