Kanye West, nagpahiwatig na tatakbo bilang US President sa 2024

Nagpahiwatig ang rapper at fashion designer na si Kanye West na tatakbo siya bilang US President sa 2024 at gusto niyang si Donald Trump ang maging running mate nito.

Ang artist na may pangalang Ye, ay nag-post noong Huwebes ng isang simbolo sa kaniyang Twitter account na may “Ye” at ang numerong 24 na tila kumakatawan sa 2024, ang taon ng susunod na halalan sa pagkapangulo ng US.

Pagkatapos ay nag-post ang rapper ng isang video na siya ay nagsasalita tungkol sa isang pulong kasama ang dating pangulo sa Florida.

Nag-post naman si Trump noong Biyernes sa kanyang Truth Social platform tungkol sa pakikipagpulong niya kay West at sinabing “”quick and uneventful” ang dinner na pinagsaluhan nila.

Hindi malinaw kung seryoso ang rapper sa kanyang intensyon o kung humihingi ito ng publicity pagkatapos ng sunud-sunod na PR na naglagay sa kaniya sa negative light.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *