Moira sinabing “healed” na matapos ang paghihiwalay nila ng asawa na si Jason Hernandez

Ibinunyag ni Moira Dela Torre ang tungkol sa paghihiwalay nila ng asawa, ang kapwa singer na si Jason Marvin Hernandez na sinabing  siya ay “healed” na at mas confident na siya sa kaniyang sarili.

Sa isang panayam sinabi ng mang-aawit na kahit papaano ay “prepared” siya para sa heartbreak dahil mayroon na siyang “weird feeling” sa simula ng 2022.

Para kay Dela Torre, naging very careful na umano siya sa pagpapapasok ng mga tao sa kanyang buhay.

Nang tanungin kung handa na ba siyang umibig muli, tinawanan ito ng singer at inamin na “open” ngunit hindi umano siya naghahanap ngayon dahil alam niyang darating ito sa tamang panahon.

Kinumpirma nina Dela Torre at Hernandez na ikinasal noong 2019, ang kanilang breakup noong Mayo kung saan inamin ni Moira na niloko siya nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *