Kaso ng COVID-19 sa Germany pababa na

Inihayag ng ilang health personnel sa Germany na nakikita na nito ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.

Sinabi ni German hospital federation President Gerald Gass na majority ng mga ospital ay nakakaramdam na ng bahagyang pagluluwag na nagbibigay sa kanila ng pag-asa na hindi na “overburdened” ang kanilang mga Intensive Care Units.

Ayon kay Gass, tinitignan nila ang constant number sa mga bagong infections sa loob ng dalawang linggo kung saan umaasa silang hindi na tataas pa ang bilang ng mga pasyente.

Sa kabila nito, nilinaw ni Gass na mataas pa rin ang pressure sa mga ospital at staff dahil sa pandemya.

umbinsido ang mga Health officials na malaking tulong ang malaking bilang ng mga nabakunahan na sa pagbaba ng bilang bagamat ayaw pa nilang maging kampante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *