KC Concepcion, masaya sa comeback concert ng mga magulang

Overwhelmed at mixed emotions ang nararamadaman ni KC Concepcion sa nalalapit na concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Kung tuwang tuwa ang fans sa pagbabalik ng tandem na “Sharon-Gabby”, mas grabe raw ang kanyang nararamdaman dahil para sa kanya, pangarap nitong makita ang kanyang magulang na may magandang relasyon bilang magkaibigan.

Nang tanungin kung magkakaruon ito ng special participation sa concert, saad ni ni KC na sana ay meron dahil male-left out daw siya kung nagkataong wala.

Sa huli, pinasalamatan nito ang supporters sa kanilang journey bilang “should-have-been” family ngunit sana patuloy silang suportahan bilang “blended and extended” family.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *