Konstruksyon ng substation ng NGCP sa bayan ng San Simon, Pampanga tuloy na

Tuloy na ang konstruksyon ng 230 kilovolt substation ng National grid Corporation of the Philippines o NGCP sa Global Asiana Business Park 2 sa bayan ng San Simon.

Ito’y matapos ipagutos ni San Simon Mayor Abundio Punsalan ang pag lift sa inilabas nitong closure order noong September 9.

Sa naging pulong kahapon sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng San Simon, NGCP at ng Provincial Government, iprenesinta ni NGCP assistant vice president at spokesperson Atty. Cynthia Alabanza ang titulo ng lupa na nag sasaaad na pag ma-may ari ng NGCP ang lupa kung saan itinatayo ang substation.

Ito kasi ang nagging batayan ng lokal na pamahalaan para mag palabas ng closure order sa konstruksyon nitong nakaraang buwan.

Dagdag ni Alabanza, maaaring nag karoon lamang ng misunderstanding sa pagitan ng dalawang panig kaya pansamantalang ipinatigil ang konstruksyon nito.

Samantala, iginiit naman ni Mayor Punsalan na sa ngayon ay welcome at wala na silang nakikitang balakid para sa konstruksyon ng substation.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *