Koronadal, may bagong Covid-19 treatment facility


KORONADAL CITY — PORMAL nang itinurn-over ng Department of Health o DOH-12 lungsod ng Koronadal ang panibagong building na gagamitin bilang Covid-19 treatment facility sa lungsod.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Dr. Edito Vego, City Health Officer ng lungsod na may apat na malalaking silid na may 36 kama ang nasabing pasilidad.

Mayroon din ito nurse station at mga kagamitan na magagamit sa mga pasyenteng may Covid-19.

Sinabi ni Vego na malaking tulong ang nasabing pasilidad dahil halos mga paaralan ang ginagawang isolation facility sa Koronadal.

Sampung milyon umano ang pondo na inilaan sa nasabing pasilidad na maaaring magamit sa iba pang programa at proyekto ng lungsod.

Malaking tulong umano para sa lungsod ang nasabing treatment center lalo na ngayong tumaas muli ang kaso ng Covid-19 sa Koronadal sa mga niluwagang restrictions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *